Wednesday , October 8 2025

Frontliners priority mabakunahan sa Caloocan City

NASA 336,446 katao sa Caloocan City ang kabilang sa Priority Eligible Group A o target na unang maba­kunahan sa lungsod, ayon kay Mayor Oscar “Oca” Malapitan.

Una sa listahan ang health workers sa health centers, pampubliko at pribadong ospital, contact tracers, barangay health workers, senior citizens, indigent population, at uniformed personnel.

Ayon kay Mayor Oca, ang nasa Priority Group A ng Caloocan ay nasa 19.58% ng kabuuang populasyon ng lungsod na umaabot sa 1.7 milyon.

Target ng pamahalaang lungsod na makabuo ng 481 vaccination teams upang makapagbakuna ng 100 katao kada team sa isang araw at matapos ang pagbaba­kuna ng unang dose sa Priority Group A sa loob ng pitong araw.

Sa kasalukuyan ay mayroong 165 vaccination teams ang lungsod at 54 vaccination sites ayon sa Caloocan City Health Department.

Hindi bababa sa 780,207 katao o 45.2% ng kabuuang popula­syon ng lungsod ang kabilang sa Priority Eligible Group B, kabilang rito ang mga guro, social workers, government workers, essential workers, persons with disabilities (PWDs) at overseas Filipino workers (OFWs).

Bilang paglilinaw, ang mga kabilang sa Priority Group A at B ay base sa ibinabang guidelines ng Department of Health.

Sa kabuuan, nasa 1.1 milyon katao, edad 17 pataas o halos 60% ng kabuuang popula­syon ang target maba­kunahan ng pama­halaang lungsod bago matapos ang taon.

Nasa 50% ng baku­na ay manggagaling sa pamahalaang nasyonal at 50% ay manggagaling sa bibilhing bakuna ng mga pamahalaang lungsod tulad ng AstraZeneca.

(JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Joey Salceda

Salceda sa Bangkok Climate Talks delegates: Nahigitan pa ng  Pilipinas ang pangako nitong lumipat sa “Renewable Energy”      

IPINAGKAPURING ipinahayag ni dating Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda sa mga delegado sa ‘High …

PSC Elite Link

PSC at Elite Link, inilunsad ang Digital Platform para Suportahan ang mga Atletang Pilipino, Simula sa Batang Pinoy

INILUNSAD ng Philippine Sports Commission (PSC), katuwang ang Elite Link, Inc., ang Elite Link—isang makabagong …

SM Super Spelling Bee 2025

SM Super Spelling Bee 2025: Young Word Wizards Shine at the Grand Finals

AFTER months of grueling eliminations held across the country, the nation’s most talented young spellers …

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag - Gabu residents

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag – Gabu residents

LAOAG CITY- Nagdulot ng matinding pagkadesmaya at tanong sa publiko ang biglaang pagguho ng bagong …

bagyo

Meralco nakatutok sa epekto ng bagyong Paolo

NAKAANTABAY at handa ang pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na magresponde kapag nagkaaberya sa …