Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Benjamin bumilis ang trabaho dahil sa lock in
Benjamin bumilis ang trabaho dahil sa lock in

Benjamin bumilis ang trabaho dahil sa lock in

ISA sa lead stars ng upcoming GMA Public Affairs series na Owe My Love si Benjamin Alves at katulad ng mga fan at viewers, excited na rin siya sa nalalapit na pag-ere nito sa primetime sa Lunes, Pebrero 15.

Halos dalawang buwan ang naging lock-in taping ng inaabangang romantic-comedy series kaya naman nakabuo sila ng magandang samahan with the whole cast.

Pagbabahagi ni Ben, ”It’s great, ine-emulate namin ‘yung lightness of the material and it really helps. You really create bonds. I’ll see these guys after and we will always have this experience together.”

Gaganap siya rito bilang si Dr. Miguel “Migs” Alcancia, isang heart surgeon at financial adviser ng online show na Alcancia ng Bayan. Kalaunan sa kuwento ay pagtatagpuin sila ni Pacencia “Sensen” Guipit (Lovi Poe) dahil sa kani-kanilang problema sa pamilya at pera.

Abangan ang nakatutuwang tambalan na ito sa Owe My Love, sa Lunes, Pebrero 15, sa GMA Telebabad.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top