Saturday , May 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor bigong maharbatan ng P10K si showbiz gay
Aktor bigong maharbatan ng P10K si showbiz gay

Aktor bigong maharbatan ng P10K si showbiz gay

TUMAWAG si male star sa isang showbiz gay at sinabing kailangan niya ng P10k dahil may bibilhin siyang regalo para sa girlfriend niya sa Valentine’s day. Pero ayaw makipagkita ng male star sa showbiz gay. Ipadala na lang daw ang pera sa kanya sa pamamagitan ng bank transfer o ng cash card niya.

Pero wise rin ang bading. Bakit nga naman siya kailangang magbigay ng pera para ipambili ng male star ng regalo sa girlfriend niya, tapos siyang magbibigay ng pera ay walang pakinabang?

“Kung magpapakita siya at makikipag-date muna sa akin bibigyan ko siya ng pera,” sabi ng bading.

Wise na ang mga bading ngayon, hindi maglalabas ng pera ang mga iyan kung wala rin naman silang magiging pakinabang. ”Siyempre pandemic ngayon at mahirap ang datung,” sabi pa ng gay.

Ang tsismis, nagtatatawag pa rin daw hanggang ngayon ang male star sa mga bading at naghahanap ng magbibigay sa kanya ng pera. Wala namang magbibigay kung walang kapalit, eh ginagawa rin naman niya iyon.

(Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top