Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Soltero kulong sa shabu
Soltero kulong sa shabu

Soltero kulong sa shabu

KALABOSO ang 45-anyos soltero matapos makuhaan ng P34,000 halaga ng shabu sa buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si Manuelito Lopez, alyas Willy, ng Suha St., Kabesang Imo St., Brgy. Balangkas, ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 11:00 pm nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Fernando Ortega sa C. Santiago St., Dalandanan.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nakapag­transaksiyon sa mga suspek ng P500 halaga ng shabu.

Nang tanggapin ni Lopez ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu agad siyang inaresto ng mga operatiba ngunit pumalag at nanlaban sa mga pulis.

Nakuha sa suspek ang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P34,000 ang halaga, buy bust money, P620 cash, cellphone at sling bag.

Mahaharap din ang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165, Direct Assault at Resisting Arrest.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top