Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Regine, kabado sa kanyang Freedom
Regine, kabado sa kanyang Freedom

Regine, kabado sa kanyang Freedom

KAHIT siya ang Asia’s Songbird at nakapag-concert na ng napakaraming beses na lahat ay successful, (oo, lahat ay super-successful) nakagugulat na sinabi ni Regine Velasquez-Alcasid na kinakabahan siya, lalo ngayon na may bago siyang concert, ang digital na Freedom sa February 14.

“Siyempre kasi, kasi kinakabahan nga ako rito sa concert na ‘to kasi hindi ko alam kung mayroong interesado pang manood dahil nga marami rin akong nagawang online shows last year.

“Although they weren’t… kasi karamihan doon mga private function pero nakalalabas kasi ‘yung iba, kasi public naman, but a lot of those concerts or shows, private functions lang ‘yun, so I’m very thankful that we had work last year.

“Napaka-blessed namin na we were still able to work last year.

“Kaya lang kinabahan ako for this concert nga dahil nga ang dami kong ginawa last year at maraming lumabas.

“Kaya tuwang-tuwa ako nag-soldout agad ‘yung mga VIP tickets namin.

“Normally kasi ang Valentine concert ko, back-to-back, it’s been years, how many year ng ginagawa ko na nagba-Valentine concert ako, but if you notice, it’s always a collab.

“First time ko ulit in a long time na magba-Valentine concert kaya we made it really, really special for everyone.”

Ang Freedom concert ay mapapanood via livestreaming sa buong mundo via the digital platform ktx.ph na maaaring mag-book ng tickets. Puntahan lamang ang ktx.ph sa Facebook (www.facebook.com/ktxtickets), Twitter (@KtxPH), at Instagram (ktx.ph).

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top