Saturday , May 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nadine iginiit na hindi siya nagparetoke
Nadine iginiit na hindi siya nagparetoke

Nadine iginiit na hindi siya nagparetoke

IKINAILA ni Nadine Lustre ang mga usapang nagparetoke siya ng kanyang ilong. Naging usap-usapan kasi iyan nang lumabas ang mga bagong picture ni Nadine na mas maganda na ang kanyang ilong kaysa dati. Sinabi ni Nadine na “natural iyan.”

Kasabay niyon, ipinagtanggol din ni Nadine ang mga nagpapa-retoke para mas gumanda sila. Natural lang naman daw sa kahit na sino na magsikap na maging mas maganda sila, at kung may kakayahan nga naman eh bakit ba hindi sila magpapa-retoke?

Ang tingin naman namin kung nagparetoke nga si Nadine o hindi, wala nang pakialam ang ibang tao roon. Kung aminin man niya o hindi na nagparetoke siya, wala ring may pakialam doon. Basta sabi niya hindi siya nagparetoke, iyon na iyon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top