Saturday , May 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Loisa ngayong matured na ang BF, Puwede nang maging Daddy Ronnie
Loisa ngayong matured na ang BF, Puwede nang maging Daddy Ronnie

Loisa ngayong matured na ang BF, Puwede nang maging Daddy Ronnie

ANG pagkakaroon ng malambot na puso ang isa sa nagustuhan ni Loisa Andalio sa boyfriend nitong si Ronnie Alonte na umaming mas madalas silang magkasama ngayon dahil nga magkalapit lang ang bahay nila sa Laguna.

Ikinuwento ito ng dalaga sa ginanap na virtual mediacon para sa mini-series na Unloving U na nagsimulang mapanood nitong Lunes, Pebrero 8 sa iWantTFC na idinirehe ni Easy Ferrer handog ng Dreamscape Entertainment.

“Ang na-discover ko kay Ronnie noong pandemic, kasi dati nag-alaga kami ng dogs tapos takot siya. Tapos na-discover na takot lang pala siya sa una kasi akala niya nangangagat pero talagang mapagmahal din siya sa dogs.

“Kasi ‘di ba, kapag nakita mo si Ronnie lalaking-lalaki, pero na-discover ko ‘yung pagiging malambot na puso rin niya. Hindi lang puro matipuno na ganyan. May malambot din siya na side at saka talagang maka-family din siya,” nakangiting sabi ni Loisa.

Sa apat na taon nilang relasyon ay nabawasan na ang selosan nila sa isa’t isa kompara noong mga bago pa.

”Iba na ‘yung pinag-mature ni Ronnie ngayon. Talagang puwede na maging daddy Ronnie ‘yung tawag ko sa kanya kasi sinesermonan din niya ako. Ha-hahaha!

“Parang mature na talaga. Sa amin dati noong iba pa ‘yung ka-loveteam ko tapos iba pa ‘yung loveteam ni Ronnie noon pero kami na pero hindi alam ng mga tao. ‘Yan kasi ‘yung nagiging problema namin dati.

“May mga part talaga na nakakaselos pero noong nagka-work na kami, wala ng selosan na nangyari ngayon. Hindi ko lang alam kung sakaling magkaiba kami ng makatrabaho. Hindi na siguro. Ewan ko. Depende kung sino. Charot!

“So ngayon kung magkakaroon ulit puwede naman kasi ang dami na naming pinagdaanan at saka mas maiintindihan mo talaga na work is work talaga,” pahayag pa ng aktres.

Dagdag pa, ”Ang pinaka-talagang na-love ko kay Ronnie ‘yung pagiging totoong tao niya. Nakilala ko kasi siya sa showbiz eh. ‘Di ba ‘pag bata ka hindi mo alam kung seryoso ba sa ‘yo ‘yung tao or baka babae ka lang niya?

“So nakita ko kay Ronnie ‘yung pagiging seryoso niya at saka ‘yung hinahanap mo. Kasi ‘di ba yung mga babae may parang dream guy, may mga ganyan.

“Pero hindi mo pala masasabi talaga yung dream guy mo ‘pag mahal mo talaga ‘yung tao. So nagustuhan ko si Ronnie, minahal ko siya bilang si Ronnie talaga, ‘yung pagkatao niya,” sabi ng dalaga.

Anyway, ang gist ng Unloving U ay hindi na magkasundo ang step-siblings na sina Fiona (Loisa) at Alfie (Ronnie) ngunit mapipilitan silang magsama sa iisang bahay pagkatapos magpakasal ng kanilang mga magulang (Ariel Rivera at Gelli de Belen).

Dahil magkaiba ang mga personalidad, laging mauuwi sa awayan at hindi pagkakaunawan ang samahan nina Fiona at Alfie. Pero dahil sa pagmamahal nila sa musika, makikilala nila ang isa’t isa at mas lalalim ang kanilang relasyon.

Sa kabila ng mga pang-aasar nila sa isa’t isa, mas magiging komplikado pa ang kanilang pagsasama dahil unti-unting mahuhulog ang loob ni Fiona kay Alfie pero patago ang pagmamahal niya para rito.

Dahil alam ni Fiona na hindi kailanman magiging sila ni Alfie, susubukan niyang kalimutan ang nararamdaman kahit nasasaktan na ang kanyang puso.

Magawa kayang talikuran ni Fiona ang kanyang pagmamahal para kay Alfie? Paano nito maaapektuhan ang relasyon nila sa kanilang mga magulang?

Makakasama rin sa Unloving U ang The Squad Plus members na sina Sam Cruz, KD Estrada, at Anji Salvacion.

Napakikinggan na rin sa iba’t ibang online music streaming platforms ang official soundtrack ng serye na mayroong apat na kanta mula kina Loisa, Sam, KD, at Anji tulad ng Kaya Pala, Saves It, at Keeps on Coming Back.

Mapapanood ng standard and premium subscribers ang Unloving U sa  Peb. 8 sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mayroon itong anim na episodes na isa-isang ilalabas araw-araw tuwing 8:00 p.m. hanggang Peb. 13.

Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top