Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kapuso channels mas pinalinaw sa GMA Now
Kapuso channels mas pinalinaw sa GMA Now

Kapuso channels mas pinalinaw sa GMA Now

INILUNSAD na ang pinaka-aabangang mobile digital (DTT) receiver na  GMA Now, ang plug-and-play dongle na puwedeng magamit ng Android smartphone users para libreng makapanood ng TV kahit on-the-go!

Siguradong mas magiging maganda ang viewing experience sa pinalinaw nitong digital TV broadcast ng mga paboritong Kapuso channel na GMA, GMA News TV, Heart of Asia, Hallypop, pati na rin ang DepEd TV soon, at iba pang free-to-air channels na available sa area.

Bukod dito, may iba pang exclusive interactive features para sa GMA Now users habang connected sa internet!

Available ang GMA Now sa mga piling lugar sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Baguio City, Pangasinan, Batangas, Metro Cebu, Metro Davao, at Cagayan de Oro.

Sa presyong abot-kaya na P649, maaari nang makabili ng GMA Now sa official GMA store sa Lazada, Shopee, o kaya ay sa mga malapit na tech at gadget stores.

(JOE BARAMEDA)

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top