Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sarah Geronimo iniwan na ang ASAP Natin ‘To
Sarah Geronimo iniwan na ang ASAP Natin ‘To

Sarah Geronimo iniwan na ang ASAP Natin ‘To

NGAYON maliwanag na ngang wala na si Sarah Geronimo sa ASAP Natin ‘To. Maging ang kanyang picture ay binura na sa ads ng show. Noon, kahit na nga hindi nakasisipot si Sarah, naroroon pa rin ang picture niya at ang turing sa kanya ay kasama pa rin sa show. Siguro nga ngayon ay maliwanag nang wala na talaga.

Maraming espekulasyon kung bakit, Baka raw may gagawin nang ibang show si Sarah. May nagsasabing naghahanda siya sa isang concert. May nagsasabi pang baka buntis na si Sarah kaya tumigil muna. Pero walang kompirmasyon mula kay Sarah kung ano talaga ang dahilan.

Malaki ang epekto niyan sa ASAP kung iisipin. Hindi natin maikakaila na malakas talaga ang batak ni Sarah at siguro nga kailangan nila siya dahil ayaw pumalo ang ratings nila dahil mukhang medyo may edad na ang lahat ng kanilang mga singer. Hindi na sila masyadong uso. Ngayong mawawala na si Sarah, at sila ay lumalabas lang sa dalawa nga pero mahina ang signal na free tv, paano nilang maitutumba ang kanilang kalaban?

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top