Monday , May 17 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Netizens kina Coco at Julia: Nagli-live-in na ba sila?
Netizens kina Coco at Julia: Nagli-live-in na ba sila?

Netizens kina Coco at Julia: Nagli-live-in na ba sila?

MAY nakae-enjoy at super tipid na libangan ngayon ang netizens na mahilig talaga sa showbiz: ang pagma-match ng mga litrato ng  mga artista sa social media (gays ng Instagram) na ang may pare-parehong background na  ayaw umaming nagdi-date kundi man nagli-live-in na.

Kamakailan ay ang mga hiwa-hiwalay na posts nina Julia BarrettoGerald Anderson, at isang nakababatang kapatid ni Gerald ang napagtagni-tagni ng masisipag na netizens para patunayan nila na nagkikita sina Gerald at Julia sa resort ng actor sa Zambales at sa iba pang lugar doon. Pare-pareho ang background ng mga litrato nila maski ‘di sila magkasama sa mga larawan na halata ring sa parehong araw kinunan.

Nagamit din nila ang ilang litrato ng iba’t ibang view ng resort na kuha ni Gerald para i-promote ang lugar na ‘yon. Imina-match nila ‘yon sa mga solo picture ni Julia na ‘di n’ya binabanggit kung saan pero naabala ng matatalinong netizens na bahagi ‘yon ng resort ni Gerald.

Sa pamamagitan ng magkakahiwalay na litrato nila na kuha sa isang resort sa Palawan, napatunayan din ng mga mabubunying netizen na magkasama kamakailan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa resort na ‘yon na pang-mayayaman. Paano namang ‘di sila mabubuko eh sa sabay na araw pa nila inilabas ang kunwari ay mga solong biyahe nila!

Mahirap itago ang pag-ibig magtatagal man ‘yon o hindi!

Ang latest na mistulang pagtatagumpay ng mga netizen na haling na haling sa mga litrato ng mga artista sa social media ay ang pagpapatunay sa umano’y pagli-live na nina Coco Martin at inactive actress na si Julia Montes.

Noong December 2020, naging tampok ng usap-usapan sa social media ang napuna ng isang netizen na may feeding bottle na kita sa likod ni Coco habang naghahanda siya ng ilulutong roasted pig.

Wala namang inaamin ang superstar ng FPJ’s Ang Probinsyano na may anak siyang infant pa lang, ‘di ba?

At nitong mga nakaraang linggo, halos sunod-sunod na nagpu-post si Julia ng mga litrato na ang caption ay nasa iba’t ibang hardin siya ng umano’y tinitirahan nila. Paminsan-minsan tag-iisang halaman lang ang ipinakita n’ya. Close up ang mga litrato n’ya.

Pero matatalim talaga ang mga mata at memorya ng mga netizen na walang gaanong mapaglibangan sa panahon ng pandemya, kaya’t nai-match nila ang mga halaman sa mga litrato ni Coco ay ‘yun din mismong mga halaman sa posts ni Julia.

Ginunita naman ng isang report sa PEP entertainment website na naging ugali na ni Julia na mag-post ng poster ng kung ano mang project ni Coco bagama’t ‘di man lang n’ya nilalagyan ng paliwanag ang personal na dahilan ng pagpo-post n’ya niyon.

At ang latest project nga ni Coco ay ang online movie nila ni Angelica Panganiban na Love or Money.

May karapatan ang mga artista na ilihim ang gusto nilang ilihim, magsinungaling nang magsinungaling hanggang mabuking sila. Hindi naman mula sa buwis ng mamamayan sila kumikita nang limpak. Kabilang pa nga sila sa highest taxpayers sa bansa.

Of course hindi naman labag sa batas ang ginagawa ng mga netizen na may matatalim na mga mata at memorya lalo pa’t ang mga pinagtatagni-tagni nilang mga larawan ay kinuha lang nila sa mga litrato ng mga artista na ibinahagi nila mismo sa madla para mamintine ang kasikatan nila.

‘Di nagri-react ang mga smart na kompanyang nangangalaga sa career ng mga nabanggit na artista sa ulat na ito dahil wala namang ipinaparatang na krimen sa mga artistang inililihim kuno ang mga pribado nilang relasyon. Pwede na ring ituring ang mga “imbestigasyon” ng mga netizen na bahagi ng publicity ng mga artistang nabanggit.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top