Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / The House Arrest of Us no. 1 sa Netflix
The House Arrest of Us no. 1 sa Netflix

The House Arrest of Us no. 1 sa Netflix

NAKOPO na rin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang Netflix. Sa kasalukuyan, ang kanilang The House Arrest Of US ang nangungunang palabas sa Netflix Philippines.

Noong Lunes lamang unang ipinalabas sa Netflix ang series at wagi agad ito sa puso ng mga manonood dahil sa nakatutuwang kuwento ng bagong engaged couple.

Nakasentro ang palabas sa hirap na pagdaraanan nina Quencess (Kathryn) at Korics (Daniel) sa unang pagkikita ng kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng tradisyong pamamanhikan, na hindi inaasahan ay maghahatid sa lahat na magsama-sama sa isang bubong dahil sa biglaang pagpapatupad ng quarantine.

Kasama rin sa patok na romantic dramedy series sina Ruffa Gutierrez, Herbert Bautista, Dennis Padilla, Arlene Muhlach, Gardo Versoza, Alora Sasam, Riva Quenery, Anthony Jennings, at Hyubs Azarcon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top