Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Outfit ni Janine Gutierrez, parang artista noong 60s
Outfit ni Janine Gutierrez, parang artista noong 60s

Outfit ni Janine Gutierrez, parang artista noong 60s

I HAVE nothing against Janine Gutierrez, and no offense meant to her pero talagang matagal na namin napapansin ang mga isinusuot niyang outfit na hindi bagay sa kanyang batang edad.

Lalo na sa recent virtual presson ng bagong Kapamilya actress (Gutierrez) ‘yung arrive ng damit niya rito ay para siyang artista noong 60s like her Lola Pilita Corales na kanyang look alike. Nagtitipid kaya itong si Janine at baka sponsor ang isinusuot niya sa mga event?

Pagdating sa kagandahan ay talagang diyosa itong si Janine at wala rin masasabi sa acting skills nito na dalawang beses nagkamit ng Best Actress sa dalawang prestigious award giving bodies.

But kung mayroong award sa worst dress ay kandidato rito ang alaga ni Leo Dominguez. Well sana mas lalong sumikat ang dalaga sa mga proyektong gagawin sa ABS-CBN lalo’t mataas ang expectation sa kanya ng said network na hindi makabawi sa kanilang dating number one ratings!

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top