Tuesday , May 11 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris kay Sen. Go sa Jojowain-Totropahin challenge Mahilig siyang maligo kasi makinis talaga ‘yung skin
Kris kay Sen. Go sa Jojowain-Totropahin challenge Mahilig siyang maligo kasi makinis talaga ‘yung skin

Kris kay Sen. Go sa Jojowain-Totropahin challenge Mahilig siyang maligo kasi makinis talaga ‘yung skin

Sa Jojowain at Totropahin challenge ni Kris Aquino ay Tropa ang tingin niya kina Coco Martin, Gabby Concepcion, Senator Antonio Trillanes Lv, at Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ang mga dahilan ni Kris:

“Tropa si Coco kasi generous siya sa tropa niya. Maalaga siya sa tropa niya, so totropahin ko siya (sabay hanap ng regalo na ibinigay ng aktor). Noong nakatrabaho ko siya, (‘Kung Tayo’y Magkakalayo’ 2010) binigyan niya ako ng Orlina (sculpture) take note pink. Tropa palang ‘yan, ha. He has taste, yes tropa,” saad nito.

“Totropahin ko si Gabby kasi takot ako sa mas maganda sa akin. He’s not handsome, eh, he’s beautiful. ‘Yung mukha niya beautiful, eh, kasi ‘yung kutis, ‘yung lips, ‘yung nose, ‘yung mata. Kung naging babae ‘yan, Miss Universe ‘yan (kaya) No! ‘Pag magkatabi kami sa picture hindi ka na mapapansin, ayaw ko, gusto ko pansinin ako,” tumawang sabi ni Kris.

Si Sen. Trillanes, ”tropa kasi ayaw ko ng dumalaw sa kulungan (sinita siya ng anak), that’s how my life Bimb as a child (sagot kay Bimb).

“At this point in my life I don’t want to repeat that experience no more, pinagdaanan ko na ‘yun from 1 until I was 9 (years old).  And now that I’m hitting the half century mark one assassination in the family is enough.”

At si mayor Vico, ”tropa kasi bilib na bilib ako sa trabaho niya, sa ginagawa niya, sa humility niya and kung ako maging asawa niya magiging minus ako sa kanya kasi mapipintasan (Vico), ‘bakit ganyan ang asawa ang arte, ang simple-simple ni Mayor, o ‘di ba? Kawawa naman si mayor.”

Sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Alden Richards, Empoy Marquez, Willie Revillame, at Senator Bong Go ang type namang jowain ni Kris.

Ang sagot niya kay Piolo, ”without a doubt talaga, jojowain ko siya. Pakikisamahan ko buong pamilya mo, your mom likes me ‘coz your mom likes my mom.”

Kay Lloydie, ”Jojowain!  Yes, and you know why, nabalitaan ko lang very generous siya, ha, haha. At saka year of the Pig din siya, eh, so para kompleto na kami kasi pig si Kuya (Josh), pig si Bimb at pig ako at siya rin, hi JLC.”

Si Alden, ”wala ito sa edad ha, jojowain because of ‘Hello, Love, Goodbye’ (pelikula nila ni Kathryn Bernardo). At saka ang cute ng dimples niya at ang kinis niya, kasing kinis ko siya. Ay talagang kinompare ang sarili kay Alden, oh.”

Bakit nga ba si Empoy? ”You know why, ang bait niya and he makes me laugh kaya puwede ko siyang jowain. Yes, nice siya talaga. Oo gustong-gusto ko talaga ‘yung ugali niya magaan siya, ayoko ng mga pabigat!”

Ang kaibigang si Willie, ”jojowain, yeah, hes’s very generous.. I know that he has his money and we have our money and then I also know na with him, you know what you’ll getting yourself into kasi hindi naman nambobola, alam naman nating babaero siya, so, what’s the big deal? (natawa si Bimb). At least I know, mas okay na sa akin na huwag kang magpanggap na ito ako, e, ‘di ‘yun. Feeling ko naman, he’ll treat you (Bimb) and Kuya well.

“Hindi lang kami magkakasundo in a sense na hindi siya mahilig matulog (sabay hirit ni Bimb, that’s what we notice kasi even 6AM or 4AM, he’s awake). Eh, ako hilig kong matulog. Pero gusto ko rin kasi malinis at maayos siya sa bahay, ayoko ng madudumi.”

At si Sen. Go, ”kasi makinis siya. Sorry ha, I know this is mababaw pero ayaw ko talaga ng ma-pimple. Importante talaga sa akin na makinis ‘yung kutis. 

“Eh, si Bong Go feeling ko mahilig siyang maligo kasi makinis talaga ‘yung skin niya and he’s been nice to us at ang dating niya hindi siya mayabang, so gusto ko siya because how he treated me before Noy (PNoy) became President when I go to Davao to meet with them, campaign period, when Noy was president and I went there (Davao) and he was assigned by Presidente Duterte was mayor Duterte then to make me ikot and take care of me, brought me pa to Pastor Quiboloy ((Apollo) to that mountain and all hindi niya ako pinabayaan and until now, he’s still nice walang nagbago sa kanya. 

“Sabi ko sa sarili ko, ‘Okay ‘tong lalaking ‘to kasi wala naman siyang pakinabang sa akin and yet he’s still safe nice, so, for me, ‘yun ang mga gusto kong tao and skin matters! Kung nawi-wirduhan kayo sa kain, it’s my choice, tinanong n’yo ako, ako naman ‘yung magjo-jowa hindi naman kayo,” masayang sabi nito.

Pero sa huli ay si Piolo ang pinili ni Kris na sabi ni Bimb ay ‘noble man’ at dahil maganda ang kutis ng aktor kaya gusto rin siya ng mama ng bagets kaya ang sabi nito ”don’t forget, good skin, ha, haha).”

Mapapanood ang Jojowain at Totropahin challenge sa IG account ni Kris.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top