Friday , April 19 2024

John Lloyd ‘tinipid’ ng mga taga-Laguna? Hospitality nasukat sa 3 tinapay

HINDI nakaligtas sa na mata ng netizens ang naging pagtanggap kay John Lloyd Cruz ng mga taga-Cabuyao, Laguna nang dumalaw ito roon para magbigay ng tulong. Ang tricycle booking application na makatutulong sa mga residente ng Cabuyao.

Paano naman, ‘tinipid’ daw ang actor dahil tatlong pirasong mamon o kalahi ang inihain dito nang makipag-usap ang actor sa pamunuan ng Cabuyao.

Isang netizen ang nag-post sa Samahan ng Makabayang Cabuyenos ng picture ni JLC habang kausap ang mga taga-Cabuyao. Roo’y binulugan ang nasabing tinapay na inihain sa actor.

Pag-alma ng netizen, ”Just wondering…Magkano ba ang hatid na income sa local na pamahalaan ng nasabing Tricycle Apps nitong si John Lloyd? Kung may say nga ba ang pamahalaang lokal sa nasabing Mobile Application na ito…Pero teka…Kng sakali may pakinabang man ang lokal na pamahalaan…Aba’y hindi naman siguro magandang hospitality ang 3 pirasong PhP5.00 na mammon o Kalahi??? Hmmmm… Ano? Tipid tipid na sagad to the bones para sa isang kilalang bisita??? Hahaha!!!”

Aba, aba! Ito nga lang ba ang inihain sa actor? Pero teka, baka naman po dessert lang ito? Ano nga kaya mga taga-Cabuyao?

Naba­lita sa isang Facebook  post na mismong si John Lloyd ang nag-alok sa mga opisyal ng local government ng Cabuyao ng kanyang Trike Now project, sa pangunguna ni Mayor Rommel Gecolea.

Ayon sa City Information Office (CIO) ng Cabuyao, dumalaw sa kanila si John Lloyd at inilatag ang proyektong Tricycle Booking App. Dumalo roon ang actor-politician na si Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez at ang mga opisyal ng tricycle operators and drivers’ association (TODA) ng Cabuyao para makita ang project proposal ng actor.


SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio 

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *