Thursday , May 6 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vice Ganda pinasaringan nga ba sina Billy at Direk Bobet?
Vice Ganda pinasaringan nga ba sina Billy at Direk Bobet?

Vice Ganda pinasaringan nga ba sina Billy at Direk Bobet?

TILA in-assume na ng mga netizen na si Billy Crawford ang pinasaringan ni Vice Ganda. Ito’y matapos ang pahayag ni Anne Curtis na hinding-hindi niya iiwan ang kanilang show na It’s Showtime.

Sumegunda si Karylle sa pahayag ni Anne na halata namang umano na hindi nito iiwan ang show dahil natural na ‘yon sa kanilang samahan.

Kinontra naman ni Vice ang pahayag ni Karylle at ipinaalala na may umalis din naman na dati nilang kasama.

Hindi man tinukoy ng comedian kung sino ito, malinaw sa ibang netizen na si Billy ang pinaringgan nito.

Umalis kasi sa It’s Showtime si Billy. Tinanggap niya ang offer ng TV5, ang Laugh Out Loud para maging host dito. Katapat pa naman ito sa ere ng It’s Showtime.

Isa ring sinasabing tinira ni Vice ay ang dating It’s Showtime director na si Bobet Vidanes na wala na rin sa Kapamilya Network.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top