Saturday , May 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lalabas na nga ba ang katotohanan? (Sa Prima Donnas)
Lalabas na nga ba ang katotohanan? (Sa Prima Donnas)

Lalabas na nga ba ang katotohanan? (Sa Prima Donnas)

Hindi matahimik si Jaime (Wendell Ramos) hangga’t hindi niya nalalaman ang katotohanan sa pagkatao ni Brianna ( Elijah Alejo).

Kinuha niya ang hairbrush nito at balak niyang ipa-DNA. Pero naunahan na naman siya ni Kendra (Aiko Melendez) at pinalitan nito ang brush ni Brianna ng brush ni Donna Belle (Althea Ablan) nang siya ay mag-CR.

Pero nakapagta­takang nang makuha ni Jaime ang resulta ng DNA ay parang galit niyang tinanong si Brianna kung sino raw ba siyang talaga?

Bigla tuloy naming naalala ang sinabi ni Lilian kay Jaime na ang kaaway na hinahanap raw niya ay baka nasa loob lang ng kanilang pamamahay.

Pero paanong nangyaring nalaman ni Jaime ang katotohanan gayong ang brush naman ni Donna Belle ang kanyang ipinasuri?

‘Yan ang sasagutin ngayong hapon pagsapit ng 3:25 ng hapon sa isa pang masalimuot na tagpo ng Prima Donnas.

Mabuko na kaya nang tuluyan si Brianna? Paanong nalaman ni Jaime na hindi niya anak si Brianna?

Abangan!

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

About Pete Ampoloquio Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top