Thursday , May 6 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Klinton Start nag-top puro uno ang grades
Klinton Start nag-top puro uno ang grades

Klinton Start nag-top puro uno ang grades

KAHIT bago at medyo mahirap kay Klinton Start ang online class, na 1st year college sa Trinity University of Asia sa kursong Marketing Management, nagawa nitong mag-top sa kanilang class.

Happy nga ang guardian ni Klinton na sina Ann Malig  Dizon at Haye Start dahil halos puro uno ang grades na nakuha ni Klinton sa pagtatapos ng 1st sem kahit may iba pa itong activities.

Pangako ni Klinton kina Ann at Haye na magdo-doble effort ito sa pag-aaral sa 2nd sem para ma-maintain ang matataas na grades.

At kahit busy sa pag aaral, nagagawa pa rin nitong mapag­sabay ang   showbiz na katatapos lang mag-taping ng noontime show ng Net 25, ang Happy Time na napanood noong sa Feb. 2.

Naging part din si Klinton ng 30 seconds grocery challenge ng MashBetter Mart sa Las Pinas na pag-aari ni Bright Kho last  January 31 kasama sina JB Paguio, Mama Emma, at Janna Chu Chu ng Barangay LSFM 97.1.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top