Monday , November 17 2025

Tulak dedbol, 12 arestado, sa PRO3 manhunt ops

PATAY ang isang hinihinalang tulak habang 12 ang nadakip ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na police operations noong nakaraang Biyernes, 29 Enero, sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Base sa ulat ni P/Col. Marvin Joe Saro, direktor ng Nueva Ecija Provincial Police Office, kay PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon, kinilala ang napatay na si alyas Ipe, residente sa lungsod ng Cabanatuan.

Nabatid, nang matunugang pulis ang katransaksiyon, nanlaban sa mga operatiba ng SDEU Cabanatuan ang suspek sa inilatag na anti-narcotics operation na naging sanhi ng kan­yang agarang kamata­yan.

Samantala, sumuko ang dalawang kasama­hang kinilalang sina Jerwin Gonzales at Melody Cabiso, kapwa kabilang sa drugs watchlist at pawang mga residente rin ng naturang lungsod.

Nasamsam ng mga nagrespondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO) mula sa mga suspek ang apat na pakete ng hinihinalang shabu, at marked money, samantala nakuha sa tabi ng bangkay ni alyas Ipe ang kalibre .45 baril na may magasin at mga bala.

Arestado rin ng mga kagawad ng Cabiao Station Drug Enforcement Unit sa hiwalay na operasyon ang apat na hinihinalang tulak na sina Jheann Macapagal, 20 anyos; Kyle Charles Gonzales, 19 anyos; isang menor de edad na hindi na pinangalanan, nahulihan ng walong gramong pina­tuyong dahon ng marijuana; at Regie Dayao, 42 anyos, nakompiskahan ng isang sachet ng hinihi­nalang shabu at marked money, pawang mga residente sa bayan ng Cabiao, sa naturang lala­wigan.

Nalambat din sa Operation Manhunt ang anim na wanted sa batas na may iba’t ibang kaso na kinilalang sina Jon Jon Rarama, 28 anyos; CJay Sambito, 28 anyos; Zenaida Rapadas, 51 anyos; Anselmo Bautista, 39 anyos; Armando Magsino, 40 anyos; at Marko Maximo, 39 anyos, pawang residente ng nabanggit na lalawigan.

(RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

DOST 3 BulSu Bulacan

DOST Launches Regional STI Fair: Showcases Innovations with Tangible Community Impact

Empowering communities through science and innovation, the Department of Science and Technology (DOST) launched the …

DOST 3 iHUB SARAI CeNTRo AMCen

Central Luzon Enters New Phase of Innovation with Launch of DOST Hubs

The Department of Science and Technology (DOST) formally launched three major facilities that are expected …

DOST bauertek

BauerTek: Central Luzon’s Innovation Champion Heads to Nationals!

MALOLOS CITY, BULACAN – BauerTek Farmaceutical Technologies has clinched the Regional Winner title for Central …

Nartatez PNPA

Sa Gabay ni Chief Nartatez PNPA Iniaangat ang Paghubog ng Bagong Pulis

Umaga ng November 13, 2025, muling pinagtibay ni Acting Chief of the Philippine National Police, …

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

Dagupan City — Personal na isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang turnover ng 25 …