Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ex-Flippers member magre-release ng album sa buong Asya
Ex-Flippers member magre-release ng album sa buong Asya

Ex-Flippers member magre-release ng album sa buong Asya

MAGRI-RELEASE ng bagong album ang former Alpha Records recording artist at member ng Flippers (3rd Generation) na nagpasikat ng Di Ako Iiyak, si Eric Diao na tinaguriang Campus Singing Idol noong dekada 80.

Ngayon ay tinatapos na nito ang kanyang next album na hindi lang sa Pilipinas iri-release kundi maging sa Japan at sa mga karatig bansa sa Asya.

Bukod sa pagiging singer, isa rin itong professional composer/record producer at part time DJ/host, na isa sa VJ ng WADAB Net Radio, isang Indie Net Radio na nakabase sa Davao city.

Ito ang composer ng Visayan Song na Ciudad sa Dabaw na inawit ng Davao based singer na si Yoyoy Idol Suave at Ikaw ang Miss Universe ng Puso ko na naging themse song naman ng Mutya ng Davao 2004.

Nakapag-release na rin ito ng anim na CD albums under Wadab Records, na isang Indie label na nakabase sa Japan. At bago nga mag- pandemic ay regular itong nagpe-perform sa Eagles Bar, Marci Polo Hotel sa Davao kasama ang kanyang bandang Enrique Montre.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top