Wednesday , November 5 2025

Child Car Seat Law iniliban ngDOTr (Butata sa netizens sa social media)

ni ROSE NOVENARIO

TINIYAK ng Palasyo na hindi muna ganap na ipatutupad ang kontro­bersiyal na Child Car Seat Law dahil naghihikahos ang mga Pinoy at bagsak ang ekonomiya ng bansa bunsod ng CoVid-19 pandemic.

Ibig sabihin walang huhulihing motorista o papatawan ng multa kung walang car seat sa kanyang sasakyan kahit may kasamang bata.

“Nangako ang ating DOTr na hindi muna po sila manghuhuli pagdating sa mga wala pang car seats,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual Palace press briefing kahapon.

“Ang nangyari po riyan talagang nasa bastas mayroong one-year period ‘no na para hindi muna ma-implement ‘yan nang mabigyan ng pagka­kataon na makabili, makaipon ng (mga) car seats. Pero tinamaan nga po tayo ng CoVid-19, so ngayon po dahil (siya ay) epektibo na by law, nangako naman po sila, naintindihan nila ang ating kalagayan ngayon,” dagdag ni Roque.

Alinsunod sa RA 11229, naisabatas noong 22 Pebrero 2019, obligadong gumamit ng child restraint systems (CRS) sa mga batang may edad 12-anyos pababa, may taas na 4’11″ pababa.

Ayon sa batas, ang mga gagamit ng expired o non-compliant child car seats ay magmumulta ng P1,000 para sa first offense, P3,000 sa second offense, at P5,000 para sa third offense.

Habang ang manufacturers o sellers ng non-compliant child car seats at mamemeke ng compliance stickers ay pagmumultahin ng P50,000 hanggang P100,000.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Salceda AIAI

Albay AI Institute, inilunsad ni Salceda

POLANGUI, Albay – Inihag at inilunsad sa bayang ito kamakailan ni dating Albay 2nd District Rep. …

Rodjun Cruz

Rodjun aminado Rayver mas magaling sumayaw (kahit dalawang beses nag-champion)

MATABILni John Fontanilla GRAND champion  ang duo nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos  na Stars on the Floor ng GMA …

PNP Nartatez Saludo Joel Deiparine

PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal

Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkilala …

PNP Nartatez Undas Bus

PNP naka-full alert para sa ligtas na paggunita ng Undas 2025

Habang milyon-milyong Pilipino ang nagsisiuwian upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, nakahanda …

Scam fraud Money

Opisyal ng DA at  PRDP  at maliliit na contractors nabiktima ng scammer

ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian …