Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sofia ayaw maging pilit ang kasal; We don’t want to ruin the relationship, we want to last
Sofia ayaw maging pilit ang kasal; We don’t want to ruin the relationship, we want to last

Sofia ayaw maging pilit ang kasal; We don’t want to ruin the relationship, we want to last

MAGKASAMA sa teleseryeng La Vida Lena sina Erich Gonzales at Sofia Andres na nakatakdang ipalabas ngayong taon. During break time ay itinuloy na ng dalawa ang usapan nila noon na mag-guest ang huli sa YouTube channel ng una.

Sabi nga ni Erich sa kanilang Heart to Heart with Sofia Andres, finally natuloy na at ikinuwentong nanggigil siya sa anak ng co-star niya na si Zoe na gusto niyang pisilin ang magkabilang pisngi.

Sa tanong ni Erich kung nakikita ni Sofia na lalakad siya sa isle ng simbahan na naghihintay ang groom niya, ”Oo naman.  Napag-usapan namin ‘yan but we both young and we don’t want to rush pa. Sabi ng iba bakit hindi pa kami magpakasal. 

“Well, it’s unplanned (magkaroon ng anak) pero this time it’s better for us to plan things para hindi kami nawawala sa path na gusto namin. 

“Hindi kami magpapakasal dahil may anak kami kundi kaya kami magpapakasal kasi mahal namin ang isa’t isa. We don’t want to ruin the relationship, we want to last,” katwiran ng aktres.

Sa tanong kung paano sila nagkakilala ni Daniel Miranda na noo’y 17 years old lang si Sofia at ang binata ay 19.

“Kailan ba ‘yun, 2015, na-meet ko siya sa The Fort (Taguig City). Hindi ko ini-expect kasi I wasn’t looking for anything lovelife or whatever. I’m 17 noong na-meet ko siya although I’m young but I’m responsible and I’m working. 

“May kumalabit sa akin cousin niya pala. Sabi ‘my cousin finds you pretty’ sabi ko, ‘ah okay.’ Eh, medyo tipsy na ako noon so nagpa-picture siya. Hindi niya alam na artista ako kasi he doesn’t really watch here. Tapos hinintay niya talaga ako hanggang 3:00 a.m. na umuwi. Tapos in-offer-an niya ako ng water. I mean in a bar, water. 

Sabi agad ni Erich, ”gentleman talaga.”

“Sabi ko, ‘uy iba ‘to water. Hindi alcohol. Not for anything kapag kinukuha ang number ko, what I do, pine-fake ko talaga. Sa kanya (Daniel) ko lang ibinigay ang real number ko and then tinext niya ako so, that’s how it started hanggang ‘yun na ‘yun,” masayang kuwento ni Sofia.

Ang sunod na tanong ng bida ng La Vida Lena, ”noong una mo siyang na-meet, mayroon na bang (spark) o wala talaga.”

Sabi kaagad ni Sofia, ”Na cute-an ako sa kanya kasi ang cute-cute niya talaga.”

Sundot ni Erich, ”Cute naman talaga kaya tingnan mo ‘yung anak n’yo si Zoe.”

“Ang cute niya pero parang napi-feel mo na inosente, ha, haha,” pambubuking ni Sofia.

”Kapag na-meet mo naman ang isang tao parang mapi-feel mo na ‘puwede naman ‘to’ me ganoon ‘di ba? At mayroon ding, ‘wala ‘to. I don’t wanna waste my time,” say ni Erich.

“Yeah, na-feel ko rin ‘yung vibe niya and first girlfriend niya ako, so mapi-feel mo rin talaga na hindi siya marunong mag-move,” sambit ni Sofia.

“Talaga ba? Huy, paano ba ‘yung mga movement kasi (sabay tingin sa camera),” tumawang sabi ni Erich.

“Hindi siya sumasayaw sa party, hindi umiinom,” saad pa ni Sofia.

“Opposite attracts each other?” tanong ni Erich.

“Siguro, well ‘yung mga ganyang bagay I’m done na with all that. Siya ‘yng adventurous ako naman I can stay at home all day kaya ako parang nag-e-enjoy pala ako sa ganoon. And I’m very happy to be with him everytime na we’re out of town,” kuwento ni Sofia.

In-introduce na rin siya ni Daniel sa mga motorbike na rati ay matatakutin siya pero ngayon ay na-appreciate na niya at marami siyang nadiskubre sa sarili na gusto pala niya ang mga bagay na ganoon.

“Nagko-compliment kayo sa isa’t isa,” say ni Erich.

“I’m thankful din na I found him kasi ‘yung mga past relationship ko parang (sumenyas ng wala lang),” pag-amin ng mama ni Zoe.

Ang mga nakarelasyon ni Sofia sa showbiz ay sina Inigo Pascual at Diego Loyzaga.

“You know what ‘yung mga best relationship na ganyan hindi talaga pinipilit parang bigla na lang, ‘uy surprise.’ ‘Yun ‘yung nagwo-work,” say naman ni Erich.

“Oo nga, ako dati kasi ‘yung pilit ng pilit na magwo-work ‘yung relationship pero hindi talaga, eh. So ito (sa kanila ni Daniel) parang effortless parang (going) with the flow lang.”

“Meant to be,” say naman ni Erich.

“I hope so, I’m really praying to God kasi may anak kami, so iba pa rin kasi ‘yung complete family,” seryosong sabi ni Sofia.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top