Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sean de Guzman future Coco Martin
Sean de Guzman future Coco Martin

Sean de Guzman future Coco Martin

MASUWERTE ang mga nakapanood ng Digital Premiere ng ng Macho Dancer noong January 30 dahil talaga namang nagkalat ang mga ari ng lalaki.

Umpisa pa lang ng pelikula, tumambad na ang hubad na katawan nina Sean de Guzman at Elora Espano at ilang minuto pa ay ang mga  hubad na katawan ng mga lalaki gayundin ang kumakaway nilang ari-arian.’ Kaya’t panalo ang mga nanood. Imagine, walang kiyemeng naglalakad habang hubo’t hubad sina Sean, Ricky Gumera, Miko Pasamonte, Charles Nathan, at Mhack Morales. Puwede mo ngang masabing ‘piyesta ng ari.’

Nakakaloka rin ang mga pagtatalik ng lalaki sa lalaki na in-enjoy ni Jay Manalo na nanonood sa ginagawa nina Sean at RickyKahit si Rosanna Roces, ‘di rin nagpakabog, may sariling eksena rin siya.

Hindi pa rin matatawaran ang galing nina Jaclyn Jose, Jay, Allan Paule, at Osang na umalalay sa mga baguhan.

Kapansin-pansin naman ang pag-angat sa pag-arte ni Ricky na tama ang tinuran ni Joed Serrano, producer ng Anak ng Macho Dancer na nangungusap ang mga mata. Kaya tiyak na malayo ang mararating nito.

Si Coco Martin naman ang naalala namin kay Sean (na sa ganito rin nag-umpisa) na ‘di malayong matulad din ang suwerte sa actor. Bakit naman hindi, ngayon pa lang ay mayroon na siyang 10 pelikulang gagawin sa Viva Films, saan ka pa?!

Ang Anak ng Macho Dancer ay handog ng GodFather Productions.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top