Saturday , May 15 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Presyo ng karneng baboy at manok ‘ipinako’ ni Digong

Presyo ng karneng baboy at manok ‘ipinako’ ni Digong

ni ROSE NOVENARIO

IPINAKO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang presyo ng kasim/pigue sa P270 kada kilo, liempo sa P300/kilo at dressed chicken sa P160 bawat kilo sa Metro Manila sa loob ng 60 araw.

Ang kautusan ay nakasaad sa nilagdaan ng Pangulo kahapon na Executive Order 124 matapos ulanin ng reklamo ang gobyerno sa pagsirit ng presyo ng baboy at manok bunsod ng African swine fever (ASF) na nakaapekto sa supply ng karne sa bansa.

Nauna rito’y humirit ng “price control” at dagdag sahod ang mga manggagawa nang umabot sa P400/kilo ang baboy noong Enero habang umiiral ang coronavirus disease (CoVid-19) pandemic.

“Napirmahan na po ng ating presidente ang Executive Order 124. Ito po ay nagpapataw ng price ceiling sa mga produktong baboy at manok,” ayon kay presidential spokesman Harry Roque sa Palace virtual press briefing kahapon.

“Hindi na po pupuwedeng ibenta ang baboy, ang pigue, na higit pa sa P270/kilo. Ang liempo hindi pupuwe­deng ibenta nang mas mataas pa sa P300/kilo at ang dressed chicken ay hindi po pupuwedeng ibenta nang [higit sa] P160/kilo.”

Mapapatawan aniya ng parusa ang  lalabag sa EO 124.

“‘Yung mga hindi po susunod, meron pong ipapataw na parusa kasama po ang pag­sasarado ng mga puwesto. So kung gusto n’yo pong manatiling magnegosyo… ng baboy at manok, sumunod po tayo sa price ceiling,” dagdag niya.

“Sa panahon ng pandemya, kailangan naman pong mag­bayanihan po tayong lahat.”

Sa huling inilathalang price monitoring ng DA noong nakalipas na Biyernes, umabot sa P400 hanggang P440 ang presyo ng kilo ng liempo, habang P170 hanggang P200 ang whole dressed chicken.

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top