Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Holdaper sa LBC todas sa kumasang policewoman
Holdaper sa LBC todas sa kumasang policewoman

Holdaper sa LBC todas sa kumasang policewoman

PATAY ang isang holdaper, isa ang naaresto ngunit dalawa ang nakatakas nang maka­sagupa ang isang naka­sibilyang policewoman sa loob ng sangay ng LBC sa Matalino St., Barangay Pinyahan, Quezon City, nitong Lunes ng hapon.

Sa inisyal na report ni P/Col. Alex Alberto, hepe ng Quezon City Police District Station 10, dakong 3:00 pm kahapon, 1 Pebrero, pinasok at hinoldap ng apat na suspek ang sangay ng LBC sa nasabing lugar.

Nagkataon na nasa loob ang hindi pa pina­ngalanang policewoman na may transaksiyon sa LBC.

Habang nanghohol­dap ang mga suspek, alerto at mabilis na naka­labas ang policewoman saka kinuha ang baril sa kanyang sasakyan.

Hinintay ng pulis na lumabas ang mga suspek at nang nasa labas na ang mga holdaper noon nag­pakilala ang awtoridad pero agad pinaputukan ng isa sa mga suspek.

Dahil dito, gumanti ng putok ang policewoman hanggang napatay ang isa sa mga suspek pero mabilis na nakatakas ang dalawa.

Nang marinig ng isa pang suspek na naiwan sa loob ng LBC ang pagputok ng baril ay hindi na lumabas pa kaya naaresto ng policewoman.

Habang isinusulat ang balita, inaalam ng pulisya ang pagkakilan­lan ng mga napatay at naarestong holdaper .

Umaabot sa P70,000 cash ang natangay mula sa remittance center. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top