Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ellen at Derek: may aaminin
Ellen at Derek: may aaminin

Ellen at Derek: may aaminin

NAKIPAG-OUTING si Ellen Adarna kay Derek Ramsay, kasama ang mga kaibigan ng aktor.

Sa isang resort sa Anilao, Batangas sila nag-outing kamakailan. Kasama ni Derek ang mga kaibigan n’ya.

Si Ellen naman, may kasama ring dalawang kaibigan. Pati na ang anak niys sa dati n’yang ka-live in na si John Lloyd Cruz. 

Pero may suspetsa kaming darating din ang panahon na silang dalawa na lang ang mag-a-outing. In short, magdi-date bilang sweethearts.

Sa ngayon, pati nga ang outing nilang ‘yon ay parang hesitant silang ipabatid sa madla. Parang binilinan nila ang mga kasama nilang kaibigan na kung magpo-post ng mga litratong kuha sa outing, ang ipaskil nila ay ‘yung wala ang isa sa kanila sa litrato.

Sa mga naglabasang pics sa Instagram ng mga kaibigan nila, ‘pag naroon si Derek, wala si Ellen.

Sa mga litrato namang andoon si Ellen, wala si Derek.

Pero isa sa mga kaibigan nila ang nag-post ng litrato nila na magkatabi sa isang mesa sa tabing dagat at ang deskripsiyon ng isang reporter: ”This one had Derek touching Ellen’s back ever so lightly, sweetly.”

At misteryosong apat lang ang tao sa litrato, at sina Ellen at Derek nga ang dalawa.

Si Ellen naman mismo, parang ‘di nakatiis, naglabas siya sa Instagram n’ya ng group picture sa isang inuman sa resort na pareho silang nandopn ni Derek. Ang simple ng caption n’ya sa pic: “Negative is positive.”

Ang isang pwedeng kaguluhan ng caption na ‘yon ay dahil negative silang lahat sa Covid test, positibo silang nakakapag­sama-sama.

Pero pwede ring ang kaguluhan niyon ay sa pagsasabi nila ni Derek na “negative” na may relasyon na sila, ang totoo ay “positive” na sila sa isa’t isa.

“Magkapitbahay” sa Ayala Alabang ang deskripsiyon nina Ellen at Derek sa isa’t isa. ‘Di nila nililinaw kung ang ibig sabihin niyon ay kung magkatabi ang mga compound nila sa pang-mayayaman na subdivision na ‘yon. Ang sinasabi lang nila ay nasa isang kalye lang ang mga bahay nila.

Parang kamakailan nila ipinabatid sa madla na “magkapitbahay” sila. ‘Di lumabas ang impormasyon na ‘yon noong panahong si Andrea Torres pa ang girlfriend ni Derek. Pero maraming beses nang nakapunta roon si Andrea, pati na ang pamilya n’ya at mga kaibigan.

Pati nga si Ruffa Gutierrez at ang mga anak nito ay sa isang bahay din sa kalye na iyon nakatira. Si Ruffa nga ang unang naglabas sa IG n’ya ng litrato nina Ellen at Derek na nagtititigan sa isa’t isa.

Si Ruffa rin ang unang bumulalas na bagay sina Derek at Ellen.

At ganoon din ang paniniwala namin.

Parang mas maraming similarities sina Ellen at Derek kaysa kina Andrea at Derek. Parehong mula sa mayayamang pamilya ng mga negosyante sina Ellen at Derek. Ni hindi nga sila nag-artista para kumite ng limpak. Kung ginusto nilang sa mga negosyo na lang ng pamilya nila magtrabaho, kikita rin sila nang limpak.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

 

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top