Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Duterte pinuri ni Sen. Bong Go sa price freeze ng baboy, manok
Duterte pinuri ni Sen. Bong Go sa price freeze ng baboy, manok

Duterte pinuri ni Sen. Bong Go sa price freeze ng baboy, manok

PINURI ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ilabas ng Executive Order No. 124 na pipigilin sa patuloy na pagtaas ang presyo ng karneng babay at manok sa bansa.

Nauna rito, umapela si Go base sa rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng price ceiling sa National Capital Region (NCR) sa loob ng 60 araw.

“Huwag po natin hayaan na may mamatay sa gutom. Kaya hinihi­kayat ko ang mga kasamahan ko sa gobyerno na gawan ng paraan at magtulungan para sa kapakanan ng mga Filipino na hirap na hirap na talaga. Pagaanin natin ang kanilang pasanin at huwag natin silang pahirapan pa,” ani  Go.

Sa ilalim ng Section 7 ng Republic Act No. 7581 o kilala din sa tawag na  Price Act, pinagkakalooban ng kapangyarihan ang Pangulo na magrekomenda sa DA na magpatupad  ng price ceiling sa basic commodities.

“Kinokomendahan ko po ang pag-iisyu ng Pangulo ng EO upang itigil ang tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain. Kailangan natin itong solusyonan lalong-lalo na sa panahon ngayon na marami pong mga kababayan natin ang nawalan ng trabaho,” dagdag ni Go.

Iginiit ni Go, wala nang pambili ng pagkain ang mga kababayan natin, tataas pa ang presyo na lalong magpapahirap sa ordinaryong Filipino.

Nakasaad sa EO ng Pangulo na maaari itong palawigin sa loob ng 60 araw kung irerekomenda ng DA. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top