Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Diego no muna sa pag-endoso ng brief
Diego no muna sa pag-endoso ng brief

Diego no muna sa pag-endoso ng brief

MAGKASAMA na sina Diego Gutierrez at ate niyang si Janine Gutierrez sa ABS-CBN. Kamakailan, isang grand welcome ang ibinigay kay Janine sa ASAP Natin ‘To bilang isang bagong Kapamilya.

“Super-happy na magkasama na kami now sa ‘ASAP,’ parang never pa kaming nagsasama sa kahit anong project except sa mga game show lang namin before,” paglalahad ni Janine.

Noong pareho pa silang nasa GMA, nagge-guest na sila sa Celebrity Bluff at ilang game shows ng Kapuso Network, kasama pa minsan ang mga magulang nilang sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez. 

“Pero iyon nga, lagi na kaming magsasama sa ‘ASAP,’ puwede ko na siyang guluhin doon, kukulitin ko na siya roon lagi,” at tumawa ang guwapong binata.

“So ayun, super-happy to spend even more time with her there.

“Exciting po.”

Magiging regular host na rin kasi si Janine sa ASAP Natin ‘To at si Diego naman ay regular performer as a singer sa naturang Sunday musical variety show ng ABS-CBN.

Noong wala pang pandemya dahil sa coronavirus, ang mga singer ay nag-iikot sa mga mall at iba-ibang TV shows para mag-promote ng kanilang bagong album o single.

Paano ang gagawing promo ni Diego ngayong may pandemic para sa kanyang On A Dream na very first single niya?

“Ganoon din po. Actually nag-taping na po ako sa ‘Magandang Buhay’ na pinakanta sa akin ‘yung ‘On A Dream.’ Nakapag-perform po ako ng kanta ko roon.

“Ipalalabas po yata after ng release ng kanta ko sa February 5.”

Simula sa February 5, maaari nang i-stream via : https://foundation-media.ffm.to/onadream ang On A Dream.

Ire-release ang single ni Diego sa Spotify, Apple Music, Amazon, Deezer, at Tidal simula sa Febuary 5.

“And then ayun may mga kinausap din po kaming mga radio station like 99.5 and 89.9, in touch po kami with them kasi may mga kakilala kami roon, so hopefully mapakikinggan natin ‘yung songs ko roon.

“And ayun po, mostly nowadays po ‘yung boosting po sa social media kailangan lang po. Post ng post sa mga Instagram, Twitter, sa Facebook para makita po ng mga tao na may bago akong kanta,” sambit pa ni Diego.

Ang On A Dream ay isinulat ni Diego at kaibigan niyang si Wilde Quimson, produced naman ito ni Mark Feist (ng Hitmakers Entertainment) na pinsan ni Ramon Christopher o Monching na ama ni Diego. Magkapatid ang ina ni Mark at ang ina ni Monching, ang Asia’s Queen of Songs na si Ms. Pilita Corrales.

Si Mark ay nakapag-arrange na ng ilang mga kanta nina Beyonce, Celine Dion, Little Mix, at Mary J. Blige.

May music video ang On A Dream na ang direktor at nag-edit ay si Melvin Dave Jordan.

“Kasama rin dito sa song si Mr. Eric Walls. He’s been a guitarist before nina Beyonce, Janet Jackson, Michael Jackson.”

Ano ang susunod na plano ni Diego pagkatapos ng release ng On A Dream?

“Ang plano po namin ng Hitmakers Entertainment and sina Tito Leo po (Leo Dominguez ng LVD Management na namamahala ng showbiz career ni Diego) is since nakapag-record na po ako ng mga ilang kanta  before, may mga nakasalang na akong mga kanta, pero ang plano po is ire-release po muna  itong isang kanta sa Feb 5 and then after every six weeks po maglalabas po ng bagong kanta.

“So paisa-isa lang po muna.”

Bukod sa pagiging singer at basketball player (ng Quezon City Defenders), open si Diego na umarte sa pelikula at teleserye.

Payag din siyang maging endorser ng iba-ibang produkto, kaya natanong si Diego kung papayag ba siyang maging endorser ng underwear na uso sa male celebrities na may mga naglalakihang billboards sa EDSA at kung saan-saan pa?

“Pagdating po kasi sa ganoong kinds of shoot, baka hindi pa po ako ready.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top