Tuesday , November 4 2025
jeepney

Phaseout ng jeepney tinutulan ng drivers

TINUTUTULAN ng grupo ng mga driver ang isinasagawang phaseout ng mga jeepney sa bansa sa panahon na ‘naglilimahid’ sa gutom dulot ng pagbabawal sa pagbiyahe sa gitna ng pandemya ng Covid 19.

Ayon kay Nolan Grulla, tagapagsalita ng grupo ng mga driver sa Unibersidad ng Pilipi­nas, gutom ang idudulot ng isinusulong na modernisasyon ng pamahalaan.

“Paano naman kami makababayad ng P2.6 milyones para sa isang modernong jeep?” tanong ni Grulla na 26 taon nang bumibiyayahe sa rutang UP – Philcoa.

“Bakit naman kami aalisin, e nagbabayad naman kami ng rehistro at prankisa,” daing ni Grulla.

Paliwanag niya, hindi sila umangal sa pagpasok ng UV express at iba pang paraan ng transporta­syon.

Aniya, pwede naman magdagdag ng bagong jeep na itinuring niyang mini-bus.

“Pero huwag naman sana kaming alisin,” aniya.

Naunang binatikos ng Arangkada UP ang Public Utility Vehicle Modernization Program o ang Jeepney Phaseout Program na inumpisahan noong 2017 ni Pangulong President Rodrigo Duterte at transport secretary Arthur Tugade sa halagang P 2.2 bilyon.

Sa isang liham ni Kilusang Mayo Uno, Executive Vice Chairman Lito Ustarez, malaki ang kaibhan ng presyo ng kasalukuyang jeepney at ng bagong jeepney.

Sa press conference sa UP noong Biyernes, sinisi ni Ustarez ang pamaha­laan sa kawalan ng kita ng mga jeepney driver.

Ani Ustarez, nagpa­baya ang gobyerno sa mga nararapat gawin sa CoVid-19.

Dahil sa kapabaya­an, maraming driver ang namamalimos ngayon sa kalsada upang mabu­hay.

“The drivers’ sector, together with the youth sector, stands firm against the Duterte regime’s fascism and dictatorship. The two said sectors are in their struggle to fight for their right to livelihood and to hold the administration accountable for its crimes to the Filipino people,” ani Ustarez.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Salceda AIAI

Albay AI Institute, inilunsad ni Salceda

POLANGUI, Albay – Inihag at inilunsad sa bayang ito kamakailan ni dating Albay 2nd District Rep. …

Rodjun Cruz

Rodjun aminado Rayver mas magaling sumayaw (kahit dalawang beses nag-champion)

MATABILni John Fontanilla GRAND champion  ang duo nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos  na Stars on the Floor ng GMA …

PNP Nartatez Saludo Joel Deiparine

PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal

Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkilala …

PNP Nartatez Undas Bus

PNP naka-full alert para sa ligtas na paggunita ng Undas 2025

Habang milyon-milyong Pilipino ang nagsisiuwian upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, nakahanda …

Scam fraud Money

Opisyal ng DA at  PRDP  at maliliit na contractors nabiktima ng scammer

ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian …