Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Atty. Ferdie Topacio parehong loves sina Claudine Barretto at nali-link na si Myrtle Sarrosa
Atty. Ferdie Topacio parehong loves sina Claudine Barretto at nali-link na si Myrtle Sarrosa

Atty. Ferdie Topacio parehong loves sina Claudine Barretto at nali-link na si Myrtle Sarrosa

In all fairness to the Lawyer for All Seasons na si Atty. Ferdie Topacio, lahat ng mga nagiging close na actress noon at ngayon ay kanyang pinahahalagahan at kung kailangan ng suporta ay always siyang nariyan para sa kanila.

Like Claudine Barretto, dahil producer na siya ng sarili nilang movie outfit na Borracho Film Production hayan at bukod sa partisipasyon sa malaking pelikula nila na Mamasapano binigyan pa niya ng solo movie si Claudine na ididirek ng premyadong in-demand director na si Joel Lamangan.

Isang big budgeted advocacy drama movie ang pagbibidahan ni Claudine na akma sa panahon natin ngayong pandemya. Hindi nagtatapon ng friendship kundi itine-treasure ng kaibigan naming abogado (Topacio) ang mga nasabing aktres.

Kay Myrtle Sarrosa nga ‘yung first major digital solo concert nito sa Teatrino Promenade sa Greenhills ay ginastusan nang milyon ni Atty Ferdie. Tulad ni Claudine ay nasa planning stage na rin ang magiging solo movie ni Myrtle na magpapakita ng kahusayan sa pag-arte.

Hindi pala kami sinagot ng aming Bff attorney sa tsismis na sila na nga ba ni Myrtle? Siya raw ang nagpapasaya at nagbibigay kulay sa life ng singer-actress.

Well, hanggang kailan kaya nila ito maitatago?

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top