Friday , May 7 2021
Breaking News
You are here: Home / News / 3 arestado sa Navotas (Sa P.9-M shabu)
3 arestado sa Navotas (Sa P.9-M shabu)

3 arestado sa Navotas (Sa P.9-M shabu)

TATLONG drug suspects ang dinakip nang makompiskahan ng halos P.9 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Rodolfo Legaspi, 39 anyos, pusher, ng B. Cruz St. Brgy. Tangos; Glen Mark Lacson, 33 anyos ng Leongson St., Brgy. San Roque; at Sandy Garcia, 41 anyos, ng M. Domingo St. Brgy. Tangos North.

Dakong 4:30 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Navotas Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez ng buy bust operation sa kahabaan ng C-4 Road., Brgy. BBN at nagawang makabili kay Legaspi ng P500 halaga ng shabu ni P/Cpl. Jeric Delos Reyes bilang poseur buyer.

Matapos tanggapin ni Legaspi ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba kasama sina Lacson at Garcia na sinasabing umiiskor din ng droga sa suspek.

Nakompiska sa mga suspek ang 130 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P884,000 ang halaga, buy bust money, at P600 cash.

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Ra 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top