Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda, sinadya o nagkataon: pagbanggit sa GMA-7

BUKOD sa A2Z  at Kapamilya channel, napanood na rin sa TV5 ang ASAP noong Linggo. Nagsanib-puwersa na kasi ang tatlong estasyon. At dahil espesyal ang ASAP last Sunday, nag- guest ang ilang mga artista na may show sa Kapamilya channel.

Sina Vice GandaVhong Navarro, at Jhong Hilario ang mga representative ng It’s Showtime. Si Vice ang nanguna sa pagpapasalamat sa mga executive ng Kapatid Network.

“What’s up, madlang people, mga Kapamilya, at Kapatid? Maraming-maraming salamat po. Personally, I would like to say thank you very much. To PLDT and TV5 Chairman Mr. Manny V. Pangilinan, Cignal and TV5 President and CEO Mr. Robert Galang, maraming-maraming salamat po,” ang masiglang-masigla at masayang pasasalamat ni Vice sa big bosses ng TV5.

Patuloy niya, ”Congratulations and thank you very much for making this milestone happen with ABS-CBN, Kapamilya, Kapatid! Kaya tayo nandirito, ang ganda, kasi ‘di ba nag-merge? Inclusive ‘di ba?Wala nang dibisyon, may TV5, may ABS-CBN, may Kapamilya, may Kapatid.”

Hindi rin nakalimutan ni Vice na banggitin ang GMA-7 dahil sa kanyang heart-shaped red dress na suot. Nag-isip tuloy ang televiewers kung sinadya o nagkataon lang ang ginawa ni Vice para may dahilan siya na banggitin ang rival network ng ABS-CBN.

“Siyempre kaya ako nagganito… Kapuso… mga Kapatid mahal na mahal namin kayo!!” ang natatawa na sambit ni Vice habang ipinakikita ang kanyang damit.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …