Thursday , February 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Opisyal ng Clark Eco Zone namahagi ng PPE sa PRO3-PNP
Opisyal ng Clark Eco Zone namahagi ng PPE sa PRO3-PNP

Opisyal ng Clark Eco Zone namahagi ng PPE sa PRO3-PNP

MATIKAS na ipinamalas sa ‘trooping the line’ sa iginawad na arrival honor para sa retiradong opisyal na si P/BGen. Manuel Gaerlan (Ret.), President at CEO ng Clark Development Corporation, kasama ang mga opisyal ng PRO3 sa pamumuno ni P/BGen. Valeriano De Leon, sa kanyang unang pagdalaw nitong Lunes, 25 Enero, bilang panauhing pandangal sa traditional flag raising sa Camp Olivas, sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga.

Sinabitan ng medalya ni Gaerlan ang mga kagawad ng San Fernando City Police Station bilang pagkilala sa katangi-tanging pagtupad sa kanilang mga tungkulin bilang mga alagad ng batas at pagbibigay karangalan sa PRO3-PNP.

Personal na pinasalamatan ni P/BGen. De Leon si Gaerlan sa donasyong kahon-kahong facemasks, face shields, mga gamot, dalawang collapsible tent na mgagamit ng PRO3.

Nagsilbing Deputy Regional Director for Operation (DRDO), Provincial Director ng Bataan at Pampanga, at Group Director ng Regional Mobile Group (RMG) si Gaerlan bago magretiro sa PRO3-PNP. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top