Thursday , February 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / ‘Di mo na ako inirespeto — Claudine to Jodi
‘Di mo na ako inirespeto — Claudine to Jodi

‘Di mo na ako inirespeto — Claudine to Jodi

NALILITO kami roon sa statement na sinasabi umano ni Claudine Barretto na hindi na siya binigyan ng respeto ni Jodi Sta. Maria nang makipag-relasyon iyon sa kanyang dating asawang si Raymart Santiago. Ang hinihintay pala ni Claudine, magpaalam sa kanya si Jodi bago makipag-relasyon sa kanyang “ex.”

Ang paghihiwalay nina Claudine at Raymart ay isang public knowledge. Hindi nga ba’t maeskandalo at sa kanilang paghihiwalay ay nagpalitan pa sila ng kung ano-anong akusasyon laban sa isa’t isa, hanggang sa pareho pa nga silang humingi ng annulment para mapawalang bisa na ang kanilang kasal.

Siguro nga wala pa ang annulment, pero “de facto” wala na silang relasyon. Ano naman ang dahilan para isipin pa ni Jodi na kailangan siyang magpaalam kay Claudine kung makikipag-relasyon man siya kay Raymart?

May kaso pa sina Raymart at Claudine, at iyon ay ang hindi raw pagbibigay ni Raymart ng sustento sa kanilang mga anak. Pero ibang usapan naman iyon. Kung iisipin, walang kinalaman si Jodi sa mga bagay na iyon.

Iyong laban nina Raymart at Claudine, nagsimula ang lahat ng iyan noong wala pa naman si Jodi sa picture, at bakit naman siya makikialam sa mga bagay na iyon ngayon?

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top