Friday , February 26 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kanino kaya gustong magkaanak ni Mocha?
Kanino kaya gustong magkaanak ni Mocha?

Kanino kaya gustong magkaanak ni Mocha?

ITINANGGI ni Mocha Uson na nabuntis siya ni Robin Padilla. ‘Di naman siya na-link kay Dingdong Dantes, kaya di n’ya itinanggi ang mister ni Marian Rivera.

Aba, ibang klase talaga pala siya. Parang ang daming babaeng papayag na maanakan ni Robin na totoo namang maraming maanakan bago siya nagpakaserso kay Mariel Rodriguez na mukha naman talagang napakadisenteng babae.

Gaya rin si Robin niyong isang aktor na naging senador na maraming naanakan.

Pero sino kaya ang lalaking pangarap ni Mocha na maanakan siya?

Ang isang kuwalipikasyon kaya ay kailangang pro-Duterte rin na gaya n’ya?

Kaya nga siguro kay Robin siya ini-link eh dahil nga pareho silang maka-Duterte. Parang asiwa naman na sa isang dilawan siya i-link.

Baka lagpas na ng 40 years old si Mocha. ‘Di nakalagay ang birthday n’ya sa Wikipedia, na napag-alaman namin na noong 1998 pa siya nagtapos ng Medical Technology sa University of Sto. Tomas. Mga 20 o 21 years old pangkaraniwan nang nagtatapos ng college ang mga Pinoy, kaya kuwentahin n’yo kung ilang taon na si Mocha ngayon.

Gusto na siguro ng fans n’ya na magkaanak na siya, kaya itsinitsismis nilang nabuntis siya ni Robin. Parang ‘di naman kasi exciting na kay Long Mejia o kay Super Tekla siya itsismis na nagpabuntis!

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top