Sunday , March 7 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Epektibong bakuna ibibigay sa publiko (Go humingi ng pasensiya)
Epektibong bakuna  ibibigay sa publiko (Go humingi ng pasensiya)

Epektibong bakuna ibibigay sa publiko (Go humingi ng pasensiya)

NANAWAGAN Si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, chairman ng Senate committee on health sa publiko na dagdagan pa ang pasensiya at pang-unawa para patunayan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang bisa ng Sinovac vaccine.

Tiniyak ni Go, lahat ng bakunang papasok sa bansa ay daraan sa pag-aaral at pagsusuri.

Inamin ni Go na palagian niyang pinaaalalahanan ang DFA at maging si vaccine czar Carlito Galvez, Jr., na tiyaking ligtas at epektibong bakuna ang papasok sa bansa para mamamayan lalo na’t ang buhay ng bawat babakunahang Filipino ay mahalaga.

Muling nanindigan si Go na tinitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na maunang babakunahan ng CoVid-19 vaccine ang mahihirap na mamamayan at frontliners. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top