Sunday , March 7 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Abandonang bahay sa QC nasunog 2 bombero sugatan
Abandonang bahay sa QC nasunog 2 bombero sugatan

Abandonang bahay sa QC nasunog 2 bombero sugatan

SUGATAN ang dala-wang bombero nang apulain ang apoy na tumupok sa isang abandonadong bahay sa Brgy. South Triangle, Quezon City, nitong Linggo  ng umaga.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), minor abrasion sa kaliwang kamay ang pinsala ni Fire Officer (FO) 2 Dariel Resonable, ng La Loma Fire Station habang ang fire volunteer na si James Pilapil, ay may 1st degree burn sa kaliwang kamay.

Sa ulat, nagsimula ang sunog 11:00 am,  24 Enero, sa unang palapag ng 2-storey abandoned house, sa Panay Ave., Brgy. South Triangle, at pagmamay-ari ng isang Lino.

Umabot sa unang alarma bago tuluyang idineklarang under control dakong 12:00 pm at tulu-yang naapula 12:42 pm.

Tinatayang P50,000 ang halaga ng mga ari-ariang natupok at walang ibang tahanan o establisi­miyento ang nadamay.

Inaalam ng BFP kung ano ang sanhi ng sunog.

  ( A. DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top