Wednesday , June 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nagulat si Kendra sa laki ng ipinagbago ni Lilian
Nagulat si Kendra sa laki ng ipinagbago ni Lilian

Nagulat si Kendra sa laki ng ipinagbago ni Lilian

Na-shock si Kendra (Aiko Melendez) sa laki ng ipinagbago ng personalidad ni Lilian (Katrina Halili) nang magkaroon sila ng chance encounter.

Kung dati ay matapang na ito, ngayon ay oozing with confidence na at lalong hindi umuurong sa laban.

Samantala, nagkita sina Lilian, Maye (Jillian Ward) at ang anak-anakan ni Lilian na si Donna Belle (Althea Ablan).

Nawala ang galit ng dalagita nang kanyang makaharap ang kanyang ina-inahan at humingi siya ng tawad rito.

Lingid sa kaalaman ng mag-iina, nakasunod pala si Brianna (Elijah Alejo) at kitang-kita nitong nagkasundo-sundo na nga ang mag-iina.

Sa isang dako, nag-apply sa company ni Ruben Escalante (James Blanco) si Makoy at marami siyang naikuwento tungkol kina Kendra at Henry.

Papaganda ang mga kaganapan sa Prima Donnas kaya pakaabangan ang mga kaganapan rito. It goes on the air starting 3:25 in the afternoon.

Babu!

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

 

 

About Pete Ampoloquio Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top