Saturday , February 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kim at Lexi, bibida sa bagong dating app
Kim at Lexi,  bibida sa bagong dating app

Kim at Lexi, bibida sa bagong dating app

CUPID vs. dating app. Ano ang mananaig pagdating sa pag-ibig?

Ngayong 2021, abangan ang Starstruck alumni na sina Kim de Leon at Lexi Gonzales sa bagong fantasy-romcom series ng GMA Public Affairs na My Fantastic Pag-ibig sa GMA News TV.

Sa unang installment nito na Love Wars, nanganganib na magunaw ang mundo ng mga kupido dahil sa trending dating app na Matchmaker. Sa kagustuhang ma-rescue ang kanilang mundo, magpapanggap ang karakter ni Kim na si Pido bilang mortal at papasok bilang intern sa kompanya ng dating app.

Sa kanyang secret mission, makikilala niya si Lovelyn, ang app developer na gagampanan ni Lexi. Pursigido si Lovelyn na lalong maging successful ang Matchmaker app. Magtagumpay kaya si Pido sa kanyang misyon? Ano nga ba ang magagawa ng isang kupido sa growing trend of finding love in the digital age?

Kaabang-abang na naman ang bagong programa na ito. Abangan ang My Fantastic Pag-ibig, ngayong January 30 na sa GMA News TV.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top