Sunday , March 7 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Barangay chairman sa Kidapawan ligtas sa ambush
Barangay chairman sa Kidapawan ligtas sa ambush

Barangay chairman sa Kidapawan ligtas sa ambush

NAKALIGTAS ang isang barangay chairman sa lungsod ng Kidapawan, lalawigan ng Cotabato, nang tambangan ng dalawang hindi kilalang mga suspek nitong Martes ng gabi, 19 Enero.

Kinilala ni P/Col. Ramel Hojilla, hepe ng Kidapawan City police, ang biktimang si Albert Espina, 38 anyos, chairman ng Brgy. Sto. Niño, sa naturang lungsod.

Nabatid na minama­neho ni Espina ang kanyang pickup truck pauwi sa kanilang bahay kasama ang kanyang asawa at anak dakong 7:00 pm, nang harangin sila ng mga armadong lalaki sa madilim na bahagi ng kalsada saka pinaputukan ng isa gamit ang kalibre .45 baril.

Tinamaan si Espina sa kanyang siko at balikat at kasalukuyang nagpapa­galing sa isang lokal na pagamutan, habang ligtas at hindi nasugatan ang kanyang mag-ina.

Patuloy na nag-iimbestiga ang mga awto­ridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa likod ng pananambang.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top