Saturday , February 27 2021
Breaking News
You are here: Home / News / 294 pamilyang nasunugan pinaasistehan ni Fresnedi
294 pamilyang nasunugan pinaasistehan ni Fresnedi

294 pamilyang nasunugan pinaasistehan ni Fresnedi

MAGBIBIGAY ng pinansiyal na tulong para sa 294 pamilyang naapektohan ng sunog sa Barrio Bisaya, Alabang, nitong nakalipas na Linggo.

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, magpapasa ng isang resolusyon ang Muntinlupa City Council para sa ipagkakaloob na financial assistance, bukod pa sa mga pangunahing panga­ngailangan.

Itinakda ang P10,000 financial assistance na ibibigay sa house owners, P5,000 sa house sharers, renters, at P3,000 sa mga may-ari ng bahay na bahagyang nasira.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dakong 8:20 am at mabilis na kumalat sa isa pang kabahayan.

Umakyat sa 4th alarm ang sunog bago naapula dakong 11:00 am.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top