Sunday , March 7 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Trailer ng The Lost Recipe, pang-world class
Trailer ng The Lost Recipe, pang-world class

Trailer ng The Lost Recipe, pang-world class

TRAILER pa lang, maganda na. Ano pa kaya ang mismong show?” Ganito ang karamihan sa feedback ng netizens sa full trailer ng fantasy-romance series na The Lost Recipe na Ini-reveal noong Miyerkoles.

Kahapon napanood napanood sa GMA News TV ang GMA Public Affairs-produced series na pagbibidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda. 

Kaabang-abang nga naman talaga kung paano ang magiging kuwento ng karakter nina Kelvin bilang Harvey at Mikee bilang Apple kasama ang iba pang cast members.

Wish nina Kelvin na magustuhan ng viewers ang handa nilang bagong putahe sa primetime. ”Sana po ay mahalin ninyo ang bawat karakter na makikilala ninyo rito sa show namin,” ani Kelvin.

Dagdag naman ni Mikee, ”Dapat ready na kayong makikalala ang mga character na magpapabusog ng hindi lang mga stomach ninyo kundi pati na puso at isipan ninyo.”

 

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top