Saturday , February 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / si Jane at ‘di si Janine ang Darna
si Jane at ‘di si Janine ang Darna

si Jane at ‘di si Janine ang Darna

SI Jane de Leon pa rin ang lilipad bilang Darna! Ito ang tiniyak sa atin ng isang taga-ABS-CBN nang mag-inquire kami kung sino na nga ba ang gaganap sa Darna TV series.

Kasabay kasi ng pagpirma ni Janine Gutierrez kamakailan bilang bagong Kapamilya ay ang tsikang ito ang magiging Darna.

Pero sagot ng isang Kapamilya, “Saan nakuha ang balitang ‘yan?” sabay dagdag na, “Noong December sa ‘Star Magic Shines’ event, inanunsiyo na roon na si Jane pa rin ang gaganap sa TV series ng Darna.”

Pagkaklaro pa nito, “May statue pa nga ni Darna sa likod ni Jane kasama ang mga boss ng ABS-CBN?”

Nang sabihin naman namin na baka sa pelikula si Janine gaganap na Darna, sagot sa amin, “Baka mga fan ang nag-iingay? Alam mo naman ang fans, kanya-kanyang push.”

Idinagdag pa nitong kapag may major development ukol sa Darna, ini-a-announce mismo ng ABS-CBN.

Sana nga’y lumipad na itong si Darna, para matapos na ang kung ano-anong espekulasyon ang lumalabas.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top