Saturday , February 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rayver, masaya sa paglipat ni Janine
Rayver, masaya sa paglipat ni Janine

Rayver, masaya sa paglipat ni Janine

MASAYA naman si Rayver Cruz sa paglipat ng kanyang girlfriend na si Janine Gutierrez sa ABS-CBN dahil inaasahan niyon ang mas malalaking projects, kahit na nangangahulugan iyon na hindi na naman sila magkakasamang dalawa. Matatandaang mula naman sa ABS-CBN ay lumipat sa GMA si Rayver na nakabuti naman sa kanyang career, at saka ang isa pang dahilan ay gusto niyang magkasama sila ni Janine sa mga project.

Hindi rin naman nangyari iyon sa GMA dahil ang pilit na ipina-partner kay Rayver ay iyong si Julie Ann San Jose.

May tsismis pang ibibigay kay Janine ang lead kontrabida sa seryeng Darna, kung matutuloy pa nga iyon dahil iniwan na naman ng ikalawa niyong director. May mga problema rin yata sa acting ng ilang artista.

Ewan kung ano ang magiging takbo ng career ni Janine sa ABS-CBN, pero sana nga mas mapabuti naman siya roon at mabigyan ng mas magagandang proyekto.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top