Saturday , February 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Paul at Kelvin, nag-aagawan kay Mikee Quintos
Paul at Kelvin, nag-aagawan kay Mikee Quintos

Paul at Kelvin, nag-aagawan kay Mikee Quintos

ISANG best friend na may lihim na pagtingin kay Mikee Quintos ang role ni Paul Salas sa nalalapit na GMA Public Affairs fantasy-romance series na The Lost Recipe.

Mapapanood na ito simula ngayong Lunes (January 18) sa GMA News TV. Huli na nang mare-realize ng karakter ni Paul na si Frank Vergara na gusto na pala niya si Apple (Mikee) at may ka-kompetensiya na siya sa katauhan ni Chef Harvey (Kelvin Miranda).

“Kasangga ko po si Apple. Kasi ako ay dating nabu-bully so, siya lang talaga ang naging kaibigan ko sa paglaki namin, hanggang sa nag-trabaho na kami together. Hanggang sa mare-realize niya na may kalaban na pala siya, si Harvey nga. Roon niya lang mare-realize na may pagtingin na pala siya kay Apple dati pa,” kuwento ni Paul.

Magsisimula na ang tunggalian sa puso ni Apple sa The Lost Recipe ngayong Lunes (January 18) 8:00 p.m., sa GMA News TV.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top