Saturday , February 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kho, nakapagpatayo ng mart dahil sa mushroom chips
Kho, nakapagpatayo ng mart dahil sa mushroom chips

Kho, nakapagpatayo ng mart dahil sa mushroom chips

MASAYANG ibinalita ng young businessman at CEO & President ng Mushbetter na si Bright Kho na bukas na ang kanyang dream project, ang MushBetter Mart sa Green Revolution St., CAA Las Piñas.

Nagsimulang magnegosyo si Bright nang ipakilala nito sa publiko ang kanyang very healthy Mushbetter Chips na gawa sa Mushroom na naging patok sa mga Pinoy na maging ang ilan sa ating  celebrities ay nagustuhan.

Nasundan ito ng Mushbetter Fries, Burger,  Chicken, at Pandesal na nagustuhan din ng mga Pinoy hangang nagkaroon ito ng idea na magkaroon ng sariling pamilihan at dito na nga niya itinayo ang kanyang Mushbetter Mart.

Kuwento ni Bight, ”Kasi nakita ko ang demand lalo na sa mga essential products. Food, grocery, health, dental. Kaya nagpatayo kami ng ganito.

“Sa Mushbetter Mart mayroon kaming mga murang spices, condiments, catsup, hotsauce, toyo, suka, mantika atbp.

“Kaya bisitahin lang nila ang MushBetter Mart para ma-try nila ‘yung mga product na mayroon kami.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top