Sunday , March 7 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor, mas kumikita sa ‘sideline’ kaysa pag-aartista
Aktor, mas kumikita sa ‘sideline’ kaysa pag-aartista

Aktor, mas kumikita sa ‘sideline’ kaysa pag-aartista

INGAT na ingat din pala sa kanyang ginagawang “sideline” ang isang male star na nagpalipat-lipat na ng kompanya pero hindi naman sumikat. Pero pogi talaga si male star, kaya kahit wala siyang suwerte sa career, mukhang kumikita naman siya nang husto sa kanyang sideline. Pero dahil may bago siyang target sa kanyang career sa ngayon, ingat na ingat siyang mabuko ang sideline niya.

Talagang tinatanong muna niya sa kanyang “agents” kung sino ang “client” at sinisiguro niyang wala iyong kinalaman sa showbiz dahil baka nga naman mabulgar siya. Ingat na kasi siya ngayon dahil basta pumapalpak pa siya sa bago niyang contract, aba eh matanda na siya at naikot na rin niya lahat ng malalaking kompanya, talagang wala na siyang pupuntahan.

Pero halata mo, panay pa-sexy niya sa social media. Roon kasi siya nakakakuha ng “sideline.”

(Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top