Thursday , February 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Maingay na inuman sa Quiapo, grabeng lumabag vs IATF health protocols
Maingay na inuman sa Quiapo, grabeng lumabag vs IATF health protocols

Maingay na inuman sa Quiapo, grabeng lumabag vs IATF health protocols

AKALA natin noong una normal lang ang operation ng isang matatawag na inuman sa Quiapo area.

Pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ganoon pala talaga ang nangyayari sa area na ‘yan kahit ngayong may pandemya.

At hindi lang basta inuman  ‘yan, maingay na inuman, malapit lang sa police station.

Diyan lang po ‘yan sa tabi ng sikat na manukan malapit sa underpass patungong Morayta.

Ibang klase ang operator ng inuman na ‘yan. Animo’y maingay na city walk sa isang normal na panahon ang laklakan sa araw-araw.

Daanan ng tao ang lugar kaya kapag may inuman wala nang nagaganap na social distancing.

Arayku!

Hello! Wala bang gagawin ang Mayor’s action team laban sa mga pasaway na ‘yan sa Quiapo, Maynila?

Aksiyon po ang kailangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top