Categories: Showbiz

Jeric at Polo, sagana sa pagkain; Dina, nakaligtas sa pagiging kusinera

Share

WALANG pangamba ang cast ng Magkaagaw nang nagbalik-taping sila last December sa Pampanga. Hindi naman sila nanibago after almost eight months silang natigil sa pagte-taping nang lumaganap ang Corona Virus dito sa Pilipinas.

Bago nag-taping proper ay nagkaroon ng refresher ang cast. Ang maganda ay sa loob ng 21 days, naka lock-in sila, walang uwian at focus lahat sa trabaho ng walang istorbo at aberya. Kaya madali sa kanila ang araw-araw na taping although may mga rest day sila.

Si Jeric ay kasama sa room si Polo Ravales at balita ko ay bugbog sila sa food na ipinadadala ng fiance ni Polo bukod sa pagiging gym instructor nila via online. Kaya sagana sila roon.

Samantala, ganoon din ang pagbabalik-taping ng cast ng Anak Ni Waray VS Anak ni Biday at excited sina Barbie Forteza at Kate Valdez nang mabalitaan nila ang resume ng taping. Siyempre, halos magka-edad sila kaya maganda ang naging bonding ng dalawa lalo na noong mag-lock-in.

Si Snooky naman ay may pangamba dahil nga sa pandemya although si Dina Bonnevie ay natuwa at makaliligtas na siya sa pagluluto sa bahay dahil nawalan sila ng kusinera. Kaya maganda rin ang experience nila sa lock-in taping.

Ang Magkaagaw at Anak Ni Waray VS Anak Ni Biday ay magbabalik ngayong Lunes, January 18 sa GMA.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Joe Barrameda

Published by
Joe Barrameda

Recent Posts

PH 2023 babalik sa normal — Duterte (Sa unang araw ng legal na bakunahan)

ni ROSE NOVENARIO AABOT pa hanggang 2023 ang kalbaryo ng bansa sa epekto ng pandemya. Inamin ito ni Pangulong Rodrigo… Read More

9 hours ago

Endorsement visa sa DFA iimbestigahan rin ba ni Sen. Risa Hontiveros?

SA KABILA ng mga batikos na lumalabas sa social and print media tungkol sa pagluwag ng Department of Foreign Affairs… Read More

10 hours ago

17 Chinese nationals ‘hinarang’ sa NAIA

HINDI pinayagang pumasok sa bansa ang 17 Chinese nationals na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos pagdudahan… Read More

10 hours ago

Endorsement visa sa DFA iimbestigahan rin ba ni Sen. Risa Hontiveros?

SA KABILA ng mga batikos na lumalabas sa social and print media tungkol sa pagluwag ng Department of Foreign Affairs… Read More

10 hours ago

Monopolyo ng Planet cable ni Villar sa Cerritos Heights pinatutuldukan

UMAPELA ang mga residente ng Cerritos Heights, sa pamamagitan ng Cerritos Heights Homeowners Association Inc. (CHHAI), para sa instalasyon ng… Read More

21 hours ago

Maja gagawa ng serye sa TV5

MANANATILI na raw si Maja Salvador sa TV5 at mukhang may gagawin na rin siyang isang teleserye sa network. Hindi maliwanag sa amin… Read More

2 days ago