Sunday , March 7 2021
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Cherry Mobile Cosmos 7 tablet eksklusibong idinisenyo para sa mag-aaral ng Caloocan
Cherry Mobile Cosmos 7 tablet eksklusibong idinisenyo para sa mag-aaral ng Caloocan

Cherry Mobile Cosmos 7 tablet eksklusibong idinisenyo para sa mag-aaral ng Caloocan

SA GITNA ng pan­demya na kinakaharap ng sambayanang Filipino, nagkaroon ng requirement sa online learning devices ang local government units (LGUs) upang matu­gu­nan ang panganga­ilangan ng mga estudyante at isa na rito ang city government ng Caloocan.

Kaugnay nito, nama­hagi ang Caloo­can LGU ng specific technical specification at customization ng tablet na ekslusibo sa online learning ng kanilang mga mag-aaral.

Ang Cherry Mobile ay nag-supply ng Cosmos 7 tablet na alinsunod sa customizes specifications.

Ang Cosmos 7 ay bagong model mula sa device hanggang sa packaging. Hindi ito mabibili sa kahit saang mobile stores dahil ini-develop ito alinsunod sa guidelines ng Caloocan city government.

“Siniguro ng Cherry Mobile Cosmos 7 na dumaan sa masusing quality control and inspection ng aming Research and Development team,” ayon kay Lonson Alejandrino, AVP-Product  Development ng Cherry Mobile.

“Gaya ng ibang LGUs, hangad namin bilang Filipino brand ang makatulong at maka­gaan sa adjustments na kinakaharap ng mga mag-aaral sa distant learning sa gitna ng pandemic. Sinigurado namin ang Cosmos 7 tablet ay bagong model at hindi pa nailabas sa merkado,” dagdag ni Alejandrino.

Mula noong 2009 nagsumikap ang Cherry Mobile upang magbigay ng de-kalidad at abot kayang devices para sa mga Filipino.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top