Sunday , March 7 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jong Madaliday, pinasalamatan ni Maximillian
Jong Madaliday, pinasalamatan ni Maximillian

Jong Madaliday, pinasalamatan ni Maximillian

HINDI makapaniwala ang Kapuso singer na si Jong Madaliday na napansin siya ng Danish singer-songwriter na si Maximillian.

Ang hit song ng foreign singer na Beautiful Scars kasi ang inawit ni Jong sa mga babaeng nakikilala niya sa online chat website na Omegle para sa isang vlog. Komento ni Maximillian sa Facebook post ng The Clash alumnus, “Thanks for singing my song.”

Makikita sa nasabing vlog na humanga sa magandang boses ni Jong ang random foreign girls na kanyang hinarana.

Sa ngayon, mayroon ng mahigit one million views ang nakaaaliw na vlog sa Facebook page ni Jong. Mapapanood din ito sa YouTube channel ni Jong.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top